DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Hula sa doomsday, muling sumablay!

Kagaya ng inaasahan, muling napatunayan ang malaking pagkakamali ng mga nagpakalat ukol sa eksaktong araw at oras ng pagkagunaw ng mundo ngayong Mayo 21, 2011 (6:00 ng gabi).

Bagama’t hindi ako tutol sa napipintong pagwawakas ng mundo at ang paghuhukom, malabis naman na pangunahan natin ang Panginoon para itakda natin ang nasabing araw, dahil lamang sa sariling mga pananaw.

Masakit isipin na maraming mga tao ang napagsasamantalahan ng ilan dahil sa mga ganitong deklarasyon.

May mga nagbebenta ng ari-arian para lamang ibigay sa kanilang pastor, ngunit matapos magmintis ang hula at hindi magkatotoo ang sinasabing pagkagunaw ng daigdig ay hindi naman ibabalik ng lider ng grupo ang inilagak na yaman ng kaniyang mga tagasunod.

Maraming pagkakataon na sa kasaysayan ang lumitaw na ganito at nanghula ngunit halos lahat sila ay napatunayang mali, maliban sa mga tunay na alagad ng Diyos na nasa Biblia.

ITEM 2

Inuulan ngayon ng pangungutya si Family Radio President Harold Camping matapos sumblay na naman sa kanyang prediksyon na magugunaw na ang mundo ngayong araw (May 21, 2011 6:00 pm).

Isa sa prediksyon ni Camping ang lindol sa Kiritimati, New Zealand bandang alas sais ng gabi na malayong mas malakas umano kumpara sa sinapit ng Japan.

Gayunman, batay sa US Geological Survey, walang nangyaring pagyanig sa oras na hinulaan ni Camping maliban sa 4.9 magnitude na naitala sa labas ng New Zealand.

Dahil sa panibagong kapalpakan, naging sentro ngayon ng biruan at kantyawan sa social networking sites tulad sa Twitter si Camping.

Isang Alex Falkenberg at maraming iba pa ang nag-tweet na sablay na naman si Camping, habang may nag-post din ng isang breaking news hinggil sa 0.0 magnitude na lindol na tumama sa New Zealand.

Ilan pa ang nagtatanong ngayon kay Camping kung uulitin nito ang palusot noong 1994 na nagkaroon ng mathematical mistake.

Maging ang mga Hollywood actors ay nakisama rin sa biruan hinggil sa propesiya ni Camping.

Tiyak namang nalalaman ngayon si Camping ang lahat ng mga pangungutya ngayon sa kanya dahil siya mismo ang nagsabi na panonoorin sa mga telebisyon o pakinggan sa radyo ang pagkagunaw ng mundo.

Napag-alaman na sumablay na rin si Camping, 89-anyos, sa kanyang hula noong una, na ang pagkagunaw ng mundo ay mangyayari noong Sept. 6, 1994.

Matapos pumalpak muli siyang nagsagawa raw ng kalkulasyon at ang Mayo 21 na ang pina-accurate na niyang computation batay sa kanyang masusing pag- aaral sa bibliya.

Sinabi ni Camping sigurado siya na magkakaroon ng napakalas na lindol dahil sa kasalanan na ng sanlibutan.

Ang mga tunay na may pananampalataya ay makakarating sa kalangitan habang ang maiiwan ay mararanasan ang kahindik-hindik na kalamidad sa pagkagunaw ng mundo hanggang sa Oktubre 21, 2011.

Batay sa kanilang pagtaya, aabot sa 200 million na mga tao o 3 percent ng world population ang malilipol.

It happens to be that we are the generation that is right at the end whether we like it or not,” ani Camping. “It’s absolutely going to happen.”

Ang mga tagasunod ng evangelical broadcaster ay naglathala pa ng mahigit sa 2,000 mga billboards sa maraming lugar sa Amerika at maging mga advertisement sa media na umabot pa sa Pilipinas.

Kabilang sa mga mensahe ay mababasa ang “The end of the Earth is upon us.”

Ang iba sa kanila ay nakasuot ng t-shirt na nakasulat ang babala at meron ding bus na nag-iikot at nakasulat ang malalaking titik ng babala.

Bilang paghahanda ang iba sa kanila ay nag-resign na sa mga trabaho, at ibinenta pa ang mga ari-arian.

Si Camping ay dating civil engineer at nagmamay-ari ng maraming AM at FM radio sa Amerika.

Nabulgar naman na mahigit na sa $100 million ang kinita ng Family Radio sa nakalipas na pitong taon dahil sa mga donasyon.

May 21, 2011 - Posted by | Exclusive, National

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: