DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pacman, nasa highest paid athletes ng Forbes

NEW YORK – Bagama’t bumulusok ang career at walang panalo kasunod ng kinasangkutang iskandalo, ang golfer pa rin na si Tiger woods ang pinakamayamang atleta sa mundo.

Sa 50 Highest Paid Athletes ng Forbes magazine, umaabot sa $75 million sa nakalipas na 12 buwan ang kinita ni Woods.

Ito’y kahit pa na $50 million ang nawala sa income ni Woods sa loob ng dalawang taon.

Bukod dito, iniwan pa siya ng ilan niyang sponsors at ang dating no. 1 golfer ay nasa ika-13 puwesto na lang ngayon sa world ranking.

Ang Nike ang responsable sa halos kalahati ng $75 million na kinita ni Woods.

Pumapangalawa naman sa listahan ang Los Angeles Lakers superstar na si Kobe Bryant na kumita ng $53 million

Si Bryant ang nangunguna sa 15 NBA stars na pinakamayamang atleta sa mundo.

Ang kinita ni Bryant ay galing sa sahod nito sa Lakers na mataas kay sa sinumang manlalaro sa NBA at endorsements kagaya ng Turkish Airlines at Mercedez Benz.

Sumunod kay Kobe ang Miami Heat star na si Lebron James na kumita ng $48 million sa nakalipas na isang taon.

Pasok din sa listahan ang Pinoy ring icon na si Manny Pacquiao na kumita ng $25 million at nasa ika-24 na puwesto.

Bumaba si Pacman mula sa ika-8 puwesto noong nakaraang taon.

Ang mahigpit nitong karibal na si Floyd Mayweather Jr. ay nalaglag na sa listahan mula sa no. 2 spot noong nakaraang taon.

Pasok din sa Top 10 ang tennis star na si Roger Federer, golfer Phil Mickelson, soccer star David Bekcham, football star Christiano Ronaldo, baseball great Alex Rodriguez, racing star Michael Schumacher at football young legend Lionel Messi.

Ang pagdetermina sa mga highest paid athletes ay batay sa kanilang sahod, bonuses, prize money, appearance fees, endorsements.

Kung susumahin, aabot ng $1.4 billion ang kabuuang kinita ng 50 pinakamayamang atleta.

Bumaba ito ng 11 percent kaysa noong nakaraang taon

Sa mga babaeng atleta, tanging ang tennis player lang na si Maria Sharapova ang nakapasok sa listahan ngayong taon.

Narito ang 5- Highest Paid Athlete:

1.Tiger Woods, $75 million, golf
2.Kobe Bryant, $53 million, basketball
3.LeBron James, $48 million, basketball
4.Roger Federer, $47 million, tennis
5.Phil Mickelson, $46.5 million, golf
6.David Beckham, $40 million, soccer
7.Cristiano Ronaldo, $38 million, soccer
8.Alex Rodriguez, $35 million, baseball
9.Michael Schumacher, $34 million, racing
10.Lionel Messi, $32.3 million, soccer
11.Fernando Alonso, $32 million, racing
12.Rafael Nadal, $31.5 million, tennis
13.Valentino Rossi, $31 million, racing
14.Tom Brady, $31 million, football
15.Lewis Hamilton, $30 million, racing
16.Derek Jeter, $29 million, baseball
17.Dale Earnhardt Jr., $28.5 million, racing
18.Yao Ming, $27.7 million, basketball
19.Dwight Howard, $27.6 million, basketball
20.Dwyane Wade, $26.2 million, basketball
21.Peyton Manning, $26.1 million, football
22.Ichiro Suzuki, $26 million, baseball
23.Carmelo Anthony, $25.1 million, basketball
24.Kaka, $25 million, football
24.Manny Pacquiao, $25 million, boxing
26.Jeff Gordon
27.Ronaldinho
28.Amare Stoudemire
29.Maria Sharapova
30.Wayne Rooney
31.Jimmie Johnson
32.Kevin Garnett
33.CC Sabathia
34.Jim Furyk
35.Vince Carter
36.Johan Santana
37.Tim Duncan
38.Chris Paul
39.Mark Teixeira tied with
40.Ryan Howard
41.Miguel Cabrera
42.Rashard Lewis
43.Todd Helton tied with
44.Ernie Els
45.Joe Mauer tied with
46.Dirk Nowitzki
47.Barry Zito
48.Jahri Evans
49.Pau Gasol
50.Michael Redd

June 4, 2011 - Posted by | International, Sports, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: