DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

1 of the oldest fossil nasa Pilipinas

Naniniwala ang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na oportunidad ang mga bagong discoveries sa Puerto Pincesa Underground River (PPUR) para mapalitan ang negatibong impresyon sa Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa launching ng Puerto Princesa Underground River sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na nakakalungkot dahil mas nangingibabaw ang mga negatibong balita kaysa maipakilala ang mga natural wonders sa bansa.

Ayon sa Pangulo, tsansa na ng PIlipinas na makabawi at maipakilala sa mundo ang mga natural treasures tulad ng PPUR.

Kasabay nito, nanawagan ang Pangulo ng suporta ng taong-bayan para makapasok ang PPUR sa New 7 Wonders of Nature.

Inihayag ng Pangulo na 80 million Filipinos ang may cellphone kung saan aabot sa dalawang bilyong texts messages ang naipapadala kada araw.

Kailangan lamang umano ng isang bilyong text votes para matiyak ang pagpasok ng PPUR sa top seven.

Sa ngayon, nasa top 28 ang PPUR at iaanusyo ang mga bagong wonders of nature sa Nobyembre 11 ngayong taon.

Maari drng bomoto sa pamamagitan ng internet, mag-log on lamang sawww.new7wonders.com, kung saan kanina ay nanguna ang Pangulo sa pagboto online.

Batay sa pagsasaliksik na ginawa ng La Venta Geographical Exploration sa PPUR, nadiskubre dito ang mga bagong kababalaghan tulad ng 23 milyong taong fossil ng Sirenia o sea cow na nagmula sa Miocene Age.

Maliban dito, ilang discoveries pa sa kasuluk-sulukang bahagi ng PPUR ang nakita na hindi pa nadidiskubre ilang milyong taon na ang nakararaan.

Nakumpirma rin ng mga eksperto na isang carbon-neutral city ang Puerto Princesa, kung saan mas malaki ang carbon removal kaysa emission.

Sa ngayon, nakakabawas umano ang Puerto Princesa ng 1,662 kilotons ng carbon at nakakapag-emit lamang ng 206 kilotons.

Ang La Venta ay nakabase sa Venice, Italy at kilala sa pananaliksik sa iba’t-ibang kuweba at kakaibang tanawin sa buong mundo.

June 6, 2011 - Posted by | National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: