DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

1st Rizal Monument

Dalawang taon pa lang na namamatay si Jose Rizal, itinayo na noong 1898 ang unang monumento niya sa Daet, Camarines Norte.

Nang itanghal ng bayan na pambansang bayani, nagsimulang magsulputan ang mga monumento ni Dr. Jose Rizal sa buong bansa.

Mula Luzon, Visayas at Mindanao, wala yatang bayan sa Pilipinas na walang bantayog ni Rizal.

Iba’t ibang laki, istilo o materyal — karaniwan dito ay gawa sa bato at ang iba naman sa tanso.

Gaya ng pinakasikat na monumento ni Rizal sa Luneta. Idinaan pa sa isang international na pa-contest ang disenyo nito noong 1905 hanggang 1907.

Unang nasilayan ang bantayog ng bayani sa lugar kung saan siya pinatay noong taong 1913.

“Parang hindi na siya bumagay noong inilagay dito. Ito talaga, second place ito sa isang patimpalak na ginawa noong araw. Kaya ito talaga ang unang- unang pinili kasi may contest iyan eh,” sabi ni Juliet Villegas, executive director ng National Parks and Development.

Wala namang batas na nag-uutos na magtayo ng monumento ni Rizal sa bawat bayan.

Ayon sa National Historical Commission of the Philippines, may mga pamantayan para sa pagtatayo ng kanyang monumento.

Una, dapat itatayo ito sa harap ng prominenteng gusali, plaza o parke.

At ang pinakamaliit na sukat, dapat life-sized.

“Ang standard sa amin ay ang tinatawag na biographical marker, ‘yong teksto na kung maglalagay ng marker, mayroon kaming inihanda rito na standard biographical marker na nagsasaad ng kanyang buhay. Mahirap naman siya i-compare sa, halimbawa, sa mga santo. Maganda talaga siyang huwaran,” sabi ni Maria Serena Diokno, chair ng NHCP.

Estatwa lang kung titignan ngunit ang pamana na iniwan ni Rizal na mahalin ang bayan ang mananatili sa puso ng bawat Pilipino. (excerpts from abs-cbn report/Atom Araullo)

June 14, 2011 - Posted by | Excerpts, Local, National

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: