DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Red moon lunar eclipse sa Pilipinas

Daan-daan katao ang nag-abang sa mga piling lugar sa Pilipinas na may magandang anggulo para sa “red moon lunar eclipse.”

Ito na kasi ang pinakamahabang eclipse sa loob ng 11 taon na nagsimula bandang 1:23 ng madaling araw hanggang 7:02 ng umaga.

Ayon kay Rene de Leon ng Pagasa astronomical department, hindi karaniwan ang ganitong tanawin sa himpapawid dahil makikita umano ang buwan na mapula at hindi ang karaniwang anino lamang.

 

Pero bukod sa Pilipinas, makikita rin umano ito sa Africa, Middle East, iba pang bahagi ng Asia at kanluran ng Australia.

Taliwas sa solar eclipse na mapanganib sa mata, ligtas umanong pagmasdan ang lunar eclipse kahit hindi na gamitan ng mga espesyal na pasilidad.

“Lunar eclipses are safe to watch and observers need not use any kind of protective filters in the eyes. A pair of binocular will help magnify the view and will make the red coloration of the moon brighter,” pahayag ni De Leon.

Sa kabila nito, bigo naman ang ilang stargazer sa Viasayas at Mindanao na makita ang kagandahan ng pambihirang tanawin sa himpapawid dahil sa makapal na kaulapang dala ng kambal na low pressure area.

June 16, 2011 - Posted by | National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: