DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Team B ng Azkals, wagi sa ‘Lupang Hinirang contest’

Wagi ng halos P100,000 ang team B ng Azkals para sa isang kakaibang kompetisyon sa pagitan ng mga kapwa miyembro ng kuponan.

Nagkasundo kasi ang mga ito na kabisaduhin ang pambansang awit ng Pilipinas na “Lupang Hinirang” sa loob ng maikling panahon lamang.

Ang sinumang grupo na makakapagsaulo ng national anthem ay may nakalaang P94,000 at iba pang pabor mula sa kanilang team.

Kabilang sa nanalong team B sina Phil Younghusband, Chieffy Caligdong, Jason Sabio, Angel Aldeguer at iba pa.

Habang ang natalong grupo naman ay kinabibilangan nina James Younghusband, Aly Borromeo at ng iba pang kasapi ng team A.

Sinasabing ang mahigpit na memorization ng team B ang naging paraan para makuha nila ang nasabing premyo.

Nabatid na kahit naglalakad sa mga kalsada ay inuulit-ulit ng mga ito ang national anthem kaya naman mabilis nilang nakuha ang tamang lyrics at tono nito.

June 18, 2011 - Posted by | National, Sports, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: