DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Davao under state of calamity, dahil sa baha

DAVAO CITY – Isinailalim na sa state of calamity ang limang mga barangay na nasa lungsod ng Davao matapos ang nangyaring flashflood kagabi.

Ito ay matapos isinagawa ang isang emergency meeting ng mga lokal na opisyal upang i-assess ang kalamidad.

Ang limang mga barangay ay kinabibilangan ng Matina Pangi, Matina Crossing, Matina Aplaya, Barangay Talomo at Maa, Davao City.

Sa nasabing mga barangay ay umabot ng halos lampas tao ang ang tubig-baha kagabi.

Sinabi ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte, hindi na idadaan pa sa opisina ng mga barangay kapitan ang tulong at sa halip ay ididiretso na ito sa mga apektadong pamilya sa pangunguna ng mga nararapat na ahensiya.

Umakyat na rin sa 25 ang patay, habang 15 ang missing sa nangyaring pagbaha.

Hanggang ngayon ay lubog pa rin sa tubig-baha ang apat na mga barangay pero hanggang tuhod na lamang ito mula sa lampas ulo kaninang madaling araw.

Umapaw din umano ang Matina river kung kaya’t lalong lumala ang sitwasyon.

Labis naman aniyang ipinagtataka ng taga-Davao dahil ngayong umaga ay muling naging maaliwalas ang sikat ng araw.

May ilang mga residente ang pansamantalang nanunulayan ngayon ilang evacuation center.

Namigay na rin ng tulong ang pamahalaang lungsod ng Davao sa mga apektadong residente.

Una rito, sinasabing karamihan sa mga namatay ay mga bata na may edad pitong  taong gulang pababa.

Tinataya naman na aabot sa 20,000 hanggang 40,000 pamilya ang apektado.

Karamihan sa mga nabahaan ay walang naisalbang gamit dahil sa biglaang pangyayari.

Samantala, grabe rin ang problema sa trapiko dahil hindi pinadadaanan ang tatlong mga tulay matapos umapaw ang ilog.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Duterte, sinabi nito na bumuhos ang malakas na ulan kagabi na tumagal ng mahigit sa tatlong oras na tuloy-tuloy dahilan upang umapaw ang Manita Pangi river.

Sa tindi ng epekto na baha, apektado ang daloy ng trapiko sa lungsod partikular ang mga motorista mula sa timog na bahagi ng Davao lalo’t isinara ang malaking tulay sa lungsod.

Samantala, dumipensa naman ang DOST-Pagsa na ilang araw na rin nilang ipinalabas ang babala kaugnay sa nanatili pa ring intertropical convergence zone sa bahagi ng Mindanao na naging dahilan umano ng mga pag-ulan hanggang sa magdulot ng pagbaha sa Davao City.

Nagpaliwanag si DOST Usec. Graciano Yumol na kahapon at hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis sa Mindanao ang naturang sama ng panahon.

Batay aniya sa kanilang mga forecast asahan na ang mga pag-ulan at kaulapan dahil ang intertropical convergence zone ay nakaabot na rin sa ilang bahagi ng Visayas.

Pangalawa ayon kay Yumol ang nangyaring flashflood kagabi sa Davao ay nangangahulugan lamang na hindi na nakaya ng daluyan ng tubig kung saan  kahalintulad din umano ito sa nangyari sa Cotabato City.

June 29, 2011 - Posted by | Health, Local, Regional, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: