DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Malakas na bagyong Ineng, nasa Pinas na

Tuluyan nang nakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong si Ineng na may international name na Ma-on.

Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang sentro ng nasabing sama ng panahon sa layong mahigit 1,000 kilometro sa hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 165 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 200 kilometro bawat oras.

Sa ngayon ay nasa ikatlong kategorya na ito bilang typhoon at kumikilos ng pahilagang kanluran sa bilis na 17 kilometro bawat oras.

Tiniyak naman ng Pagasa na hindi ito makaka-apekto sa alinmang bahagi ng Pilipinas dahil hindi ito magtatagal sa karagatang sakop n gating bansa.

Sa kabila nito, nananatili naman ang babala ng Pagasa sa mga mangingisda na mag-ingat sa paglalayag sa eastern seaboard dahil sa naglalakihang alon na posibleng maging sanhi ng mga sakuna.

July 17, 2011 - Posted by | National

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: