DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Plea deal vs Zaldy Ampatuan, ikinukonsidera ng DoJ?

Inamin ng isang opisyal ng Department of Justice (DoJ) na bukas ang government prosecution team na pag-aralan ang posibilidad na pumasok sa isang plea bargain deal si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Zaldy Ampatuan, isa sa mga pangunahing suspek sa tinaguriang Maguindanao massacre.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay DoJ Usec. Francisco Baraan III, inihayag ng opisyal na bagama’t malabong maging state witness si Zaldy, pero maari umano nilang ikonsidera ang opsyon na mag-plea ito sa mas mababang kaso kapalit ng pagdiin sa iba pang pangunahing sangkot sa karumaldumal na kremin.

Maliban kay Zaldy, kabilang pa sa mga primary accused sa kaso ay ang ama nito na si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Sr., at kapatid na si dating Datu Unsay Mayor Andal, Jr.

“Puwede iyon. We can consider that (plea for a lesser offfense),” ani Baraan na inatasan ng DoJ bilang supervising official sa prosekusyon ng kaso.

Pero bago ito, iginiit ni Usec. Baraan na kailangan munang mabasahan ng sakdal si Zaldy, bago magkaroon ng plea bargain deal.

“We might consider that if he will plead guilty to a lesser offense, sa plea bargaining if he will be arraigned. Kasama naman ang plea bargaining sa criminal cases,” dagdag ni Usec. Baraan.

Pero sa hiwalay na pahayag ni Justice Sec. Leila de Lima, kaagad ibinasura ng kalihim ang alok ni Ampatuan na maging state witness laban sa kaniyang ama, kapatid at iba pang akusado sa kreminn.

Samantala, inihayag naman ni Atty. Raul Lambino, tagapag-salita ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na hindi umano malayong ibibigay ng gobyerno kay Ampatuan ang kalayaan nito, kapalit pagdiin sa former president.

Sa isang pahayag, pinangalanan ni Zaldy ang dating pangulo na umano’y nasa likod ng talamak na election fraud sa kanilang lalawigan noong taong 2004 at 2007.

 

“Baka ang usapan diyan, madown-grade ang kaniyang kaso, bilang isang principal in a conspiracy, principal by direct participation, baka gagawin na lamang siyang accomplice para maka-piyansa siya.”

July 17, 2011 - Posted by | Justice Issue, National

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: