DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Long holiday sa August 27-30’

Aasahan ng mga mag-aaral at manggagawa ang mahaba-habang bakasyon sa huling linggo ng Agosto.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, holiday sa August 29 (Lunes) dahil National Heroes’ Day habang holiday din sa August 30 (Martes), pista ng Ramadan ng mga kapatid na Muslim.

Ayon kay Valte, magiging apat na araw ang bakasyon dahil Sabado at Linggo ang Agosto 27 at 28.

Sa araw ng State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, walang deklarasyon ng holiday mula sa Malacañang at bahala na umano ang mga apektadong paaralan at opisina sa Quezon City partikular sa Batasan.

“Tama po ‘yon. Kasi naalala n’yo po ‘nung Holy Week, naglabas nga… kinailangan po nating maglabas ng proclamation doon sa Black Saturday dahil hindi nga siya naisama doon sa aming listahan. So wala po kasi ako pang naririnig na meron pong balak i-declare o kahit ano pa man sa 27. Pero ho ‘yung 29 at 30 sigurado na po ‘yon,” ani Valte.

July 23, 2011 - Posted by | National

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: