DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Open letter ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre

Mahigit sa 30 pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre ang nagpalabas ng open letter kaugnay sa ika-20 buwan ng karumal-dumal na krimen.

Iginiit ng mga ito na kailangang transparent ang lahat at huwag samahan ng pulitika.

Ngayong isang taon at walong buwan na mula nang naganap ang massacre, patuloy pa ring isinisigaw ng mga ito ang hustisya at hindi pulitika.

Hinihiling din nila ang patas na laban, walang sekretong negosasyon at walang special treatment.

Nababahala rin ang mga asawa, kapatid at mga anak ng mga media practitioners na biktima ng Maguindanao massacre sa ikinikilos umano ng ilang opisyal ng Malacañang sa pagtrato kay dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan na isa sa mga pangunahing akusado.

Malaking katanungan din aniya para sa kanila ang nangyaring konsultasyon kamakailan ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga kamag-anak ng mga biktima na wala ni isang pamilya na taga-media ang inimbitahan kahit ang iba sa mga ito ay nasa Metro Manila na.

Kaugnay nito, plano din sana ng pamilya na makipagkita sa Pangulo matapos ang State of the Nation Address (SONA) nito sa Lunes  upang maipaabot din nila ang kanilang mga hinaing kaugnay sa ilang isyu sa naturang kaso.

Ang iba pang pamilya ay umaaasa na muling mangako ng tulong sa kanila si Pangulong Aquino sa SONA nito.
 
Sa panayam ng media kay Renafe Momay-Castillo, anak ng ika-58 na biktima sa Maguindanao massacre na si Reynaldo Momay, sinabi nito na nais nilang marinig mula sa Pangulo na hindi nito pababayaan ang pamilya ng mga biktima lalo pa’t maraming mga istratehiyang ginagawa ang pamilya Ampatuan upang mapawalang sala sa kaso.

July 23, 2011 - Posted by | Justice Issue, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: