DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

3 buhawi nanalasa sa CDO, mga bahay winasak

CAGAYAN DE ORO CITY – Umaabot na sa 80 kabahayan ang sinira ng tatlong ipo-ipo na humagupit sa dalawang barangay sa syudad ng Cagayan de Oro kahapon.

Ayon kay Patag Brgy Kap. Benny Fabricante, sa kaniya lamang lugar ay umaabot na sa 65 kabahayan ang sinira ng buhawi na kung saan natanggal ang mga bubungan.

May ilan ding kabahayan ang nakita na lamang na nasa bubungan ng iba pang kabahayan.

Habang nabuwal din ang ilang malalaking punongkahoy sa lungsod.

Kinumpirma rin ni Fabricante na may ilan sa kanyang mga residente ang sugatan subalit minor lamang umano ang natamo ng mga ito.

Sa ngayon, pansamantalang inilagay sa brgy. hall ang mga apektadong pamilya habang umapela na rin sila ng kaukulang tulong sa mga opisyal ng syudad upang makapagsimulang muli.

Samantala, ilang kabahayan rin ang winasak nang tumama ang dalawang ipo-ipo sa Brgy. Bulua sa syudad din ng Cagayan de Oro.

Bagamat wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa nabanggit na lugar.

Inihayag ng lokal na tanggapan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang tatlong tumamang ipo ipo ay epekto umano ng climate change.

Sinabi ni Luz Mercado ng Pagasa, ito ang epekto ng pagtagpo ng cumulonimbus cloud at kalupaan dahilan upang mamumuo ang buhawi.

July 30, 2011 - Posted by | National, Regional, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: