DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Hail to the Filipino athletes

Pinatunayan ng mga atletang Pinoy sa bansa ang galing sa iba’t ibang larangan ng laro nitong nakalipas lamang na magdamag.

Ito ay kasunod ng pagkakasungkit ng Pilipinas ng apat na gintong medalya at dalawang silver medal sa World Dragon Boat championship 2011 kung saan umaasa ang mga ito na maipanalo ang huling laban bukas.

Kahapon ay nagtagumpay ang Smart Gilas ng Pilipinas kontra Iran sa Jones Cup basketball event sa Sinjhuang Stadium sa New Taipei City, Taiwan sa score na 73-59 pabor sa Pilipinas pagkarating ng huling yugto.

Panalo rin ang tinaguriang bagong henerasyon ng mga Peñalosa na si Dodie Boy “Dugong Kampyon ” Peñalosa Jr. laban kay Kong Kiatpracha “The Thai Tornado” sa Laban ng Lahi: Dugong Kampyon” na ginanap sa Mandaue Sports Complex, Cebu na tumagal lamang ng hanggang round three matapos na bumagsak ang Thai boxer.

Maliban dito, wagi naman sa undercard match sina Jimrex Jaca laban kay Philip Demicillo sa loob lamang ng 3rd round sa pamamagitan ng technical knockout.

Hindi naman nagpahuli si Eden Sonsona ng General Santos City matapos ang tagumpay na laban nito kay Emman Labanza hanggang round 10 bilang undercard ni Dodie Boy Peñalosa Jr. laban kay Kang Kiatpracha Gym ng Thailand na idinaos sa Mandaue Sports Complex, Cebu.

Sa kabilang dako, isa ring bagong WBO Asia Pacific flyweight champion si Froilan Saludar na tubong Brgy. Maligo, Polomolok, South Cotabato matapos ang kaniyang panalo laban kay Gabriel Pumar na taga Cebu na ginanap sa Island Cove Hotel and Leisure Park sa Kawit, Cavite.

August 7, 2011 - Posted by | International, National, Sports, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: