DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pilipinas, all-time high sa ani ng palay

Sa kauna-unahang pagkakataon nagtala ng record breaking sa kabuuang ani ang Pilipinas sa palay at mais sa unang anim na buwan ng taong kasalukuyan.

Iniulat ngayon ni  Agriculture Secretary Proceso  Alcala na all-time high ang produksyon ng palay sa first semester ng 2011 na umabot sa 7.577 million metric tons (MT) na mas mataas ng  14.4 percent sa volume noong nakaraang taon na nasa  6.621 million metric tons.

Maging ang ani sa mais ay nagtala rin ng kasaysayan na pinakamalaki na umabot sa 3.309 million MT o 37 percent na mas malaki noong nakaraang taon.

Ayon kay Alcala ang magandang record sa ani ng palay at mais ay dahil aniya sa pagpapalawak pa ng palayan at mataas na average yield per hectare.

Dagdag pa rito ang naranasang magandang panahon, magandang presyo ng palay at suporta sa produksyon ng mga magsasaka sa tulong na rin ng mga LGUs at pribadong sektor.

Sinasabing ang harvested area ay lumaki sa  1.993 million hectares o nasa  9.6 percent na mas mataas kumpara noong 2010 na nasa 1.819 million hectares.

Ang pagpapalawak ay dahil umano sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga irrigation facilities.

Partikular umanong lumawak ang harvested area sa Western Visayas at Cagayan Valley.

Batay aniya sa record ng DA, noong 2009 huling naitala ang pinakamalaking naani na umabot sa  7.376 million MT at  2008 na nagtala sa 7.121 million MT, habang sa mais naman ay noong taong 2008 (3.293 million MT) at 2009 (3.218 million MT) pero nalampasan umano ito ngayong 2011.

August 10, 2011 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: