DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Phoenix, tinamaan ng matinding dust storm

PHOENIX – Sa ikatlong pagkakataon sa monsoon season, muling dumilim ang buong Phoenix sa Arizona, dahil sa matinding dust storm na bumalot sa lungsod.

Umaabot sa 1,000 talampakan ang taas ng makapal na alikabok na bumalot sa Phoenix at katabing Pinal County.

Nagkaroon ng zero visibility at naging sanhi ng pagkansela ng ilang flights ng eroplano.

Ayon sa ilang residente, ngayon pa lang sila nakaranas ng tatlong dust storm sa gitna ng monsoon season.

Inihayag ni National Weather Service Meteorologist Ken Waters na tipikal ang nararanasan na dust storm ng Phoenix ngunit ang ipinagkaiba umano nito ay ang lakas ng tatlong dust storm.

Paliwanag ni Waters, ang malalakas na kulog sa Arizona ang dahilan ng hangin na umaabot sa 96 kilometro bawat oras at nilipad ang alikabok.

Noong nakaraang Hulyo ay dalawang matinding dust storm din ang bumalot sa Phoenix. (AP)

August 20, 2011 - Posted by | International, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: