DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Manila hostage incident (timeline)

Lunes ng umaga, August 23, 2010, lulan ng isang Hong Thai travel bus ang may 25 mga pasahero, kabilang ang ilang Filipino at dayuhang turista galing ng Hong Kong.

Mula sa Fort Santiago sa Intramuros, Manila, patungo na sana sa Manila Ocean Park ang grupo ng maki-sakay sa kanila ang nasibak na si Manila Police Mobile Patrol Unit chief S/Insp. Rolando Mendoza.

Pagsapit ng mga ito sa Quirino Grandstand sa Luneta, idineklara ni Mendoza ang balak nitong pag-hostage sa mga pasahero.

Hiling ng hostage-taker, ang agarang pagresolba ng kaniyang kaso na nakabinbin sa Office of the Ombudsman at pagbalik sa serbisyo.

Narito ang ibang mga pangunahing pangyayari kaugnay sa insidente.

Alas-11:30 ng umaga, unang pinakawalan ni Mendoza ang dalawa nitong bihag kasunod ng ginawang negosasyon ng mga opisyal mula sa Manila Police District (MPD).

Pagsapit ng tanghali, karagdagan pang apat na mga hostages ang pinakawalan, kabilang ang tatlong batang Chinese.

Alas-2:00 ng hapon, isang matanda pa ang pinayagan ng hostage-taker na makababa ng bus.

Kasunod dito ang pagpaskel ni Mendoza ng mensaheng nakasulat sa papel na: “Big mistake to correct a big wrong decision.”

Alas-2:18 ng hapon, isa pang mensahe ang ipinaskel ni Mendoza kung saan nagbigay na ito ng “3 PM today deadlock” kasabay ng pagpapalaya ng isa pang bihag.

Alas-2:50 ng hapon, nagbigay ng suplay ng pagkain para sa mga pasahero ang mga negosyador.

Alas-3:00 ng hapon, nakipag-usap sa hostage-taker ang kapatid nitong si SPO4 Gregorio Mendoza.

Alas-4:00 ng hapon, pinakawalan ng suspek ang Filipino photographer na kasama ng tour group.

Bandang alas-6:00 ng gabi, nakatanggap ng sulat mula sa Office of the Ombudsman si Mendoza, kung saan tinitiyak ng tanggapan ang agarang pag-aaral sa kaso nito.

Alas-7:10 ng gabi, inaresto ng mga tauhan ng MPD si Gregorio Mendoza. Ang nabanggit na tagpo ay live na nakunan ng media at napanood ng hostage-taker sa kaniyang TV monitor sa loob ng bus.

Ito umano ang sinasabing nag-udyok sa suspek para magwala sa loob ng sasakyan.

Alas-7:21 ng gabi, dalawang putok mula sa loob ng bus ang umalingawngaw.

Alas-7:30 ng gabi, nakatakas ang drayber bus kung saan inihayag nito sa mga otoridad na patay na umano ang lahat ng mga hostages.

Alas-7:37 ng gabi, nagsimula ng palibutan ng mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ang bus.

Sinubukan ng mga ito na basagin ang salamin ng sasakyan, gamit ang isang maso.

Alas-7:51 ng gabi, nagpaputok na ng tear gas sa loob ng bus ang mga otoridad.

Alas-8:10 ng gabi, sinubukan ng SWAT na buksan ang pintuan ng bus gamit ang isang tali, subalit bigo ang mga ito.

Alas-8:23 ng gabi, sunod-sunod na putok ng baril ang narinig mula sa loob ng bus. Makikita na rin ang paglabas ng usok sa nawasak na bintana ng sasakyan.

Pagkalipas ng mahigit siyam na oras, idineklara ng mga otoridad na 
tapos na ang hostage crisis.

Walo sa mga Hong Kong tourists ang nasawi at napatay din ang suspek.

August 22, 2011 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: