DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Maria Aragon, tampok sa Pacman-Marquez trilogy

Kinumpima na ni 8-division world champion Manny Pacquiao na ang Pinay mula Canada at YouTube sensation na si Maria Aragon ang kakanta ng “Lupang Hinirang” sa kanyang November fight kay Juan Manuel Marquez.

“Si Maria Aragon. Magaling yung bata,” nakangiting sambit ni Pacquiao.

Una rito, inihayag ng 11-anyos na si Aragon na  hindi niya inaasahang lulutang ang kanyang pangalan para mag-perform ng live sa event na dati ay sa telebisyon lamang nito pinapanood.

Ipinangako rin nito na sakaling siya na ang pinal na mapiling maging kinatawan ng bansa, wala itong babaguhin sa tempo ng kanyang rendisyon upang makaiwas sa mga batikos.

“I really wanna, just gonna keep it simple, especially since it’s my first really big performance, singing the national anthem. I really want to sing it the way that they wrote it, and the way that it’s meant to be. And also, just to make the Filipinos proud,” paniniyak ni Maria.

Si Aragon ay naging instant celebrity nang madiskobre ni Lady Gaga ang video nito sa YouTube na kinakanta ang “Born This Way” ng U.S. pop singer.

August 31, 2011 - Posted by | International, National, Sports

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: