DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Fiesta sa pagdeklara kay Lolong bilang biggest croc

BUTUAN CITY – Inihanda na ng lokal na pamahalaan ng Bunawan, Agusan del Sur ang kanilang gagawing grand celebration sa deklarasyon ng Guinness Book of World Records para sa buwayang si Lolong bilang “world’s biggest saltwater crocodile” matapos itong mahuli noong Setyembre 3, 2011.

Ayon kay Bunawan Mayor Edwin Elorde, maliban sa Guinness ay opisyal ding idedeklara ng National Geographic Channel si Lolong matapos masukat ng kanilang validator na si Dr. Adams Britton ang haba ng giant croc.

Sa ngayon ay OK na at balik na sa kondisyon si Lolong matapos turukan ng gamot kahapon.

Aminado ang opisyal na nagpagawa ng trust fund ang National Geographic Channel na nakapangalan sa local government unit ng Bunawan at pinondohan ng P200,000 upang magamit para sa maintenance at development ng tirahan ni Lolong at kaniyang pagkain.

Dagdag pa ng opisyal, nakatanggap na sila ng mga donasyon mula sa iba pang local government units, mga negosyante at mga mayamang indibidwal.

November 10, 2011 - Posted by | International, National, Science, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: