DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pag-aresto kay Arroyo?

Timeline for Today (Nov. 18, 2011; Friday)

7:30 ng umaga nagsimula ang Comelec en banc para talakayin ang electoral sabotage case ni dating Pangulong Gloria Arroyo at mahigit 30 iba pa.

11:00 sinimulan ng SC ang special en banc session nito na tumatalakay sa motion for reconsideration na inihain ng Solicitor General na humihiling na kanselahin ang TRO

11:20am nang ihain naman ng Commission on Elections sa Pasay RTC ang kasong election sabotage laban sa dating Pangulong Arroyo

1:00pm nang ihayag ng SC na kinatigan nito ang ipinalabas na TRO sa botong 8-5 at ibinasura naman ang mosyon ng SolGEN.

2:00pm naghahanda na ang mga Arroyo para sa biyahe nito patungong Singapore at ala 5:10 ang flight nito.

3:10pm nang ihayag ng DoJ at SOLGEN na maituturing nang moot ang kautusan ng SC na TRO dahil na rin sa mayroon nang hurisdiksyon sa mga Arroyo ang Pasay City RTC.

4:00pm nang ihain ng DOJ ang kanilang urgent motion na humihiling na bawiin na ang TRO

4:20pm nang magpalabas ng warrant of arrest ang Pasay RTC at sunud sunod na ang pangyayari na nagpalabas ng kopya ng warrant of arrest at pagsisilbi dito sa tahanan ng mga Arroyo sa La Vista Quezon City at St. Lukes Medical Center.

5:00pm nang itakda ng SC na hindi na maaaring lumabas ng bansa ang mga Arroyo kahit pa man may TRO dahil ang TRO umano ay sumasaklaw lang sa petisyon nito ukol sa legalidad ng ipinalabas na watchlist order habang ang election sabotage case ay hiwalay na kaso. Ipinaliwanag ni SC Spokesperson Atty Midas Marquez na ang Pasay City RTC ang siya ng may hurisdiksyon sa mga Arroyo bagama’t epektibo pa rin ang TRO nba ipinalabas nito.

5:30 ng makarating ang mga tauhan ng Pasay police at NBI sa St. Lukes, airport at iba pang destinasyon.

November 18, 2011 - Posted by | Justice Issue, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: