DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Balik-tanaw sa Maguindanao massacre

Nobyembre 23, 2009, nangyari ang malagim na krimen sa bulubunduking bahagi ng Sitio Masalay, Brgy. Salman sa bayan ng Ampatuan lalawigan ng Maguindanao.

Nangyari ang hindi kapani-paniwala at hindi inaasahang krimen sa loob lamang ng isang araw at ng dahil lamang sa pulitika at pinag-aagawang kapangyarihan sa lalawigan.

Bagama’t eksakto dalawang taon na ngayong araw ang nangyaring Maguindanao massacre, maituturing pa rin ng mga pamilya ng mga biktima na mailap ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay.


Kaugnay nito, nananatili ang sakit at pighati sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay dahil sa brutal na pagpatay ng walang kalaban-labang mga biktima.

Ang Maguindanao massacre na tinagurian ding Ampatuan massacre ang umano’y “deadliest single event” sa kasaysayan ng mga mamahayag.

Kalagitnaan ng taong 2009, tatlong beses na nagkaroon ng pagpupulong at napagkasunduan na wala umanong Mangudadatu na kokontra sa Ampatuan sa gubernatorial post.

Ngunit dahil sa natunugan umano ito ng mga Ampatuan kayat pinaghandaan ang balak na paghahain ni Esmael Toto Mangudadato ng kandidatura.

Sinasabing dalawang araw bago naganap ang insidente nakahanda na ang libingan gamit ang backhoe na nakapangalan kay dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Bilang pagbabalik tanaw sa Maguindanao massacre alas-9:00 ng umaga nagtungo ang convoy na kinabibilangan ng anim na mga sasakyan lulan ang ilang media practitoners, abogado at mga kaanak ni Mangudadatu mula sa Buluan upang maghain ng Certificate of candidacy COC sa Shariff Aguak Comelec office.

Samantala bumalik naman ang ika-pitong convoy nang matunugan na may posibleng mangyari ngunit hindi naman nakalusot ang dalawang iba pang sasakyan na hindi kabilang sa convoy.

Bago nakarating sa kanilang destinasyon, pinatigil ang mga ito ng mahigit sa 100 armadong kalalakihan at dito na naganap ang karumal dumal na krimen.

Lumalabas na lima sa mga kababihan ay ginahasa kabilang na rito ang apat mula sa media, habang pinagbabaril naman sa mga ari ang ilang babaeng biktima at  may pinugutan pa ng ulo.

Tanging ang text message na ipinadala ni Genelyn Mangudadatu sa asawang si Toto ang nagtuturo sa mga suspek na mga tauhan ni Ampatuan Jr. ang responsable umano sa krimen.

Labis namang ikinagulat ng mga kawani ng Bombo Radyo Philippines sa buong bansa lalo na sa taga-Bombo Radyo Koronadal ang pagkadamay ng chief of reporters and anchormen na si Ernesto “Bart” Maravilla o Bombo Bart na isa sa naging biktima sa masaker.

Matapos ang dalawang araw na pag-retrieve sa mga bangkay, umabot sa 57 ang body count kabilang na ang 32 mga miyembro ng media habang nanatiling missing pa rin si Reynaldo Momay.

Sa ngayon nasa higit 100 pang mga suspek ang patuloy na pinaghahanap mula sa 198 na mga suspek habang 93 pa lamang ang mga naaresto.

Sa loob ng dalawang taon nasa 44 pa lamang ang nabasahan ng sakdal kabilang na ang dalawang pangunahing akusado na sina Andal Ampatuan Sr. at Andal Ampatuan Jr. na kapwa naghain ng not guilty plea sa korte.

Sa kabila ng dalawang beses sa isang lingo na pagdinig sa kaso, usad pagong pa rin para sa mga kaanak ng mga biktima ang inaasam-asam na hustisya.

Ang korte sa ilalim ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221 sa sala ni Judge Jocelyn Solis-Reyes nakasalalay ang takbo ng kaso at pagkamit ng hustisya.

November 23, 2011 - Posted by | Justice Issue, Media, National, Unusual

1 Comment »

  1. teary eyed me…

    Comment by Jessa | November 25, 2011 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: