DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Man’s best friend, muling napatunayan sa Sendong flood

CAGAYAN DE ORO CITY – Muling napapatunayan ang kasabihang “man’s best friend.”

Ito’y matapos isang walong taong gulang na batang lalaki ang naisalba ng kanilang alagang aso sa kasagsagan ng malawakang pagbaha sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Ayon sa salaysay ng isa sa mga residente sa Bombo Radyo, hindi na nila inaasahang buhay pa ang kanilang apo na si Junjun sapagkat ang dami ng mga narekober na bangkay sa Isla de Oro, Brgy. 13 kung saan sila nakatira.

Subalit makalipas ang ilang araw na paghahanap, biglang sumulpot si Junjun kasama ang asong si Tisay sa kanilang lugar dahilan upang mapaiyak at mapayakap ng husto ang ama nito.

Isinalaysay umano ng biktima na noong tinamaan ng baha ang kanilang bahay, agad niyang nakita si Tisay kaya doon siya kumapit hanggang sa tinangay sila ng baha.

Makalipas umano ang ilang oras na palutang-palutang sa dagat, maswerteng may nakita silang isang pulis at dinala sa dalampasigan.

Ikinuwento ni Junjun sa pulis na siya’y isang mag-aaral sa syudad subalit hindi niya alam ang barangay na kanyang pinagmulan.

Sinabihan naman sila ng pulis na sila’y umabot na sa Brgy. Bugo na sakop na ng hilagang bahagi ng lungsod.

Sa ngayon, si Junjun at ang aso nitong si Tisay ay nasa ligtas na ang kalagayan.

Hindi pa rin malimutan ng bata ang malagim nilang karanasan habang nasa laot ng dagat.

December 20, 2011 - Posted by | National, Regional, Unusual, Weather |

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: