DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Umulan ng isda? Ano ‘to fish shower? (pero totoo)

BUTUAN CITY – Nagpaliwanag si Engr. Lolit Binalay, hepe ng Pagasa-Bancasi na ang pag-ulan ng isda sa bahay ni Brgy. Kagawad Eliseo Ong ng Brgy. Poblacion, sa bayan ng Loreto, Agusan del Sur ay posibleng dahil sa aktibong formation ng mga cummulu-nimbus clouds na naging waterspout.

Sinabi ng opisyal sa Bombo Radyo Butuan, ang waterspout ay may kakayahang humigop ng mga particles mula sa karagatan at posibleng nahigop ng pwersa nito ang mga isda.

Nang wala ng iba pang mahigop na mga particles at nang mabigatan na sa water vapor ay ibinuga ng waterspout ang mga isda kung saan kasama sa mga nahigop na tubig ay nagkataong sa ilang bahay ito naibuga.

Dagdag pa ni Binalay, nangyari na rin ang ganitong scenario noon sa Lake Mainit, Agusan del Norte, ilang taon na ang nakalipas.

Una rito sa kuwento ni C/Insp. Wilson Corpuz, hepe ng pulisya sa bayan ng Loreto, inulan ng maliliit na isda kahapon ng alas-8:00 ng umaga ang tahanan ni Ong.

Naganap daw aniya ito sa kasagsagan ng malakas na ulan na ikinagulat naman ng mga opisyal at kapitbahay.

Karamihan sa naturang mga isda ay halos kasing-laki ng sigarilyo.

Hindi pa naman matukoy ang ibang uri ng isda kaya inilagay ang mga ito sa aquarium upang magamit sa gagawing pagsusuri.

Dagdag pa ni Corpuz, malayo naman sa karagatan at ilog ang bahay ng nasabing barangay kagawad kaya labis ang kanilang ipinagtataka sa naganap na pangyayari.

January 14, 2012 - Posted by | Local, National, Science, Unusual

5 Comments »

  1. totoo ba to,, bat walang video na mapaikita..? to see is believe………?

    Comment by els | January 14, 2012 | Reply

    • Nag-request na po kami dun sa local station namin sa area. kahit kami ay interesado rin na makita kung may video. but so far, meron pa lang tayong pinanghahawakang kumpirmasyon mula sa local authorities.

      Comment by dennis | January 14, 2012 | Reply

  2. narinig ko sa radio binalita ito.

    Comment by jb44 | January 14, 2012 | Reply

  3. I heard this on the radio and was shocked. It is nice to read an explanation for that phenomenon.

    Comment by debbie | January 14, 2012 | Reply

  4. is this really true?? this is awesome…

    Comment by dylan rey | January 16, 2012 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: