DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Teacher-student showdown sa impeachment trial

Face off ng estudyante at titser ang nangyari sa ika-apat na araw ng impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Partikular na rito sina House prosecutor at Cavite Rep. Elpidio Barzaga at lead defense counsel na si retired Justice Serafin Cuevas.

Nagsimula ang bangayan ng dalawa sa pamamaraan ng pagtatanong ni Barzaga sa witness na si Atty. Randy Rutaquio ng Pateros-Taguig Register of Deeds .

Agad itong kinuwestiyon ni Cuevas dahil mali sa tingin nito ang ginagawa ni Barzaga, ngunit ayon sa Cavite solon, ito raw ang itinuro sa kaniya ni Cuevas na kaniyang titser sa kanilang remedial law class.

Dagdag naman ng retiradong mahistrado, malamang absent umano si Barzaga noong itinuro at ipinaliwanag niya ito sa klase.

Si Rep. Barzaga ay nagtapos ng Bachelor of Laws Degree sa Far Eastern University bilang Magna Cum Laude.

Para naman kay Atty. Jose Roy III, dating dean at presidente ng Pamanatasan ng Lungsod ng Maynila, isa sa abogado ni Corona, bida ngayong araw ang mga octogenarian, o mga players sa impeachment na may edad na.

Ang tinutukoy ng abogado ay sina lead defense counsel Cuevas na 83-anyos na, presiding officer at Senate President Juan Ponce-Enrile na edad 87-anyos na at Rep. Elpidio Barzaga na 61-anyos.

Aniya, ang mga nakababata umano ay mistulang nasa sideline lamang at nile-lecturan at nakikinig.

Ang defense panel ay bumilib din umano kay Enrile dahil sa ginawa nito ang kaniyang homework sa isyu ng prosesong pagpapatitulo ng lupa na computerized na.

Isa pang pangyayari ay pinagsabihan din ni Enrile si Senator-Judge Alan Peter Cayetano dahil sa maling diskarte nito ng pagtatanong sa defense lawyer at prosecution lawyer.

January 19, 2012 - Posted by | Justice Issue, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: