DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

PPUR, opisyal nang pasok sa New 7 Wonders of Nature

Abala na ngayon sa ginagawang paghahanda ng Puerto Princesa City government at Department of Tourism (DoT) kaugnay sa gagawing selebrasyon sa Lunes kaugnay sa pagkapanalo ng Puerto Princesa Underground River (PPUR).

Ang nasabing 17-kilometer underground river sa Palawan ay pasok sa New 7 Wonders of Nature at pormal na inianunsyo ngayong hapon sa Heritage Hotel sa Pasay City.

Dumalo sa pagtitipon si Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn at personal na tinanggap ang inagurasyon mula kay Bernard Weber ng New7Wonders Foundation.

Sinabi ni Mayor Hagedorn sa kanyang talumpati na labis ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta at bomoto sa Puerto Princesa underground river.

Ipinagmamalaki ni Hagedorn na mula sa dalawa, naging 11 na ngayon ang biyahe ng eroplano sa kanilang lugar kada araw.

Sinabi naman ni Dir. Luella Jurilla ng Department of Tourism (DoT) region 4, dahil sa nasabing tagumpay ng lungsod, gagawaran ng DoT at DENR ang Puerto Princesa local government sa Lunes at patikular na paparangalan si Mayor Hagedorn.

Ayon kay Dir. Jurilla, hindi matatawaran ang sakripisyo ng lungsod para mai-promote ang PPUR na ipinagmamalaki ng bansa sa buong mundo.

Samantala, hindi umano natatapos ang kanilang efforts sa pagkapanalo ng Palawan underground river.

Katunayan, nagpupursige umano sila para lalo pang mapadali ang pagbiyahe ng mga turista papuntang Palawan.

Ilan umano sa pinagkakaabalahan ng DoT ang pagsasaayos ng booking system papuntang Palawan kung saan hangad nilang gawin itong centralized.

Balak din umano nilang dagdagan ang mga public rest rooms papuntang Puerto Pricesa at mga information kiosk para mapadali ang pamamasyal.

January 28, 2012 - Posted by | International, Local, Media, National, Regional, Unusual | , , ,

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: