DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Mga kakatwang eksena sa Corona trial

Napagsabihan ang ikapitong witness ng prosekusyon sa kasagsagan ng ginagawang cross examination ni retired Supreme Court Justice Serafin Cuevas, lead counsel ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa pagtatanong kasi ni Justice Cuevas, nakailang beses na pinaulit ni Giovanni Ng, finance director ng Megaworld Corporation, ang mga tanong ng retiradong mahistrado.

Sinabihan ni Cuevas si Ng na makinig ang mabuti sa tanong sa kaniya dahil mahirap na umano niyang maalala pa ang kaniyang mga tanong at ulitin ang tanong dahil nag-uulyanin na raw siya.

Sinegundahan naman ni presiding officer at Senate President Juan Ponce-Enrile, ang nasabing puna ni Cuevas.

Maliban dito, pinuna rin ang hindi maintindihang pagbigkas ni Ng sa mga patinig at katinig.

Dahil sa mahina ang kaniyang memorya, pinatawag ni Cuevas ang court stenographer at pinabasa ang stenographic notes para sa huling tanong ng depensa.

Samantala, napatawa naman ang mga nasa loob ng impeachment court, makaraang tawagin ni presiding officer Enrile si Senator-Judge Bong Revilla na “Panday.”

Kabilang sa mga may edad nang bida sa impeachment trial sina Senador-Judge Joker Arroyo, 85; Senate President Enrile, 87; at si defense lead counsel Cuevas, 83.

January 30, 2012 - Posted by | Justice Issue, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: