DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Pagpatay sa JI leaders, tagumpay vs terorismo’

Pinapurihan ng Malacañang ang AFP sa pagkakapatay sa top leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) na si Umbra Jumdail alyas Dr. Abu at dalawa pang lider ng Jemaah Islamiyah (JI).

Ang mga nabanggit na terorista ay matagal ng tinutugis ng pamahalaan dahil sa mga ginawang karahasan lalo sa bahagi ng Mindanao.

Sinabi ngayon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, maituturing itong tagumpay sa walang humpay na kampanya laban sa terorismo.

“We commend the AFP with this victory in the continuing fight against terrorism,” ani Valte.

Una rito, kinumpirma ni AFP chief of staff Lt. Gen. Jessie Dellosa ang pagkamatay ng 15 miyembro ng JI at ASG members sa inilunsad na airstrike ng military sa may Barangay Duyan Kabau, Parang, Sulu.

Napatay din ang kilabot na lider na sina JI Zulkipli bin Abdul Hir alias Marwan/Brahim at Muhamda Ali alias Muawiyah/Anjala.

Unang nagtakda ang gobyerno ng Amerika ng US$5 million na reward sa ulo ni Dr. Abu.

Kung sa halaga sa piso ito ay katumbas ng mahigit sa P200 million.

Batay sa mga military reports, sina Marwan at Mauwiya ay responsable sa mga serye ng karahasan sa probinsiya gaya ng kidnapping at pambobomba.

Si Marwan, 46, ay US trained Malaysian engineer na matagal na ring wanted maging sa Amerika dahil sa pagkakasangkot sa terror attacks.

Noong 2007 ipinagsakdal si Marwan at kapatid nito sa korte sa Amerika dahil sa pagbibigay tulong sa mga terorista.

Ang Amerika ay may US $5 million reward sa sinuman para sa ikahuhuli kay Marwan.

Sa Pilipinas may patong naman ito sa ulo na umaabot sa P7.4 million.

Itinuturing ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Marwan na miyembro ng JI Central Command at kabilang sa most wanted terrorists sa buong mundo.

Si Muawiya na $50,000 reward sa kanyang ikakaaresto ay nagsilbing translator sa mga dinukot na miyembro ng International Committee of the Red Cross (ICRC) noong 2009 sa Sulu.

Si Marwan ang kinokonsiderang isa sa mga top JI leaders sa Southeast Asia pagkatapos maaresto si Umar Patek sa bansang Pakistan.

“We received reports that there were thirty (30) terrorists, including six (6) foreign JI members, who arrived in Sulu on December last year. Our basis is our intelligence on the ground our local assets,” ani Wesmincom chief M/Gen Noel Coballes.

Samantala, hinggil naman sa nangyaring kidnapping sa Tawi-Tawi City, pinaalalahanan ngayon ng Malacañang ang mga turista na doble-ingat sa pagbisita sa alinmang bahagi ng bansa.

Ayon kay Valte, dapat makipag-ugnayan muna sa DFA o sa kanilang embahada bago tumuloy sa binabalak pasyalan.

Una nang kinondena ng Malacañang ang pinakahuling kidnapping case at pinakilos ang mga security forces para sa maayos na resolusyon ng problema at makamit ang hustisya.

February 2, 2012 - Posted by | National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: