DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Tupa na may 8 paa, 3 tenga

Dinagsa ang isang farm sa lungsod ng GenSan matapos ipanganak ang isang tupa na may walong paa at tatlong tenga.

Ayon kay Lito Santiago apo ng dating Gensan Mayor Ireneo Santiago, labis ang kanilang panghihinayang sa pagkamatay ng bagong silang na tupa dahil sa pagkakaroon ng reproductive anomaly.

Sinabi sa Bombo Radyo ni City veterinarian Dr. Efraim Marin, hindi magtatagal sa ganoong sitwasyon ang tupa matapos na ma-develop itong kulang ang tenga pati ang porma ng katawan kaya’t nagkadikit lahat ang walong paa sa isang katawan.

Dalawa sana ang ipanganganak na tupa subalit dahil sa kulang ng ilang parte sa katawan ay nagresulta naman sa pagdikit-dikit ng ilang bahagi kaya’t naging isa na lamang ang kanyang katawan.

Ayon naman kay Lito Santiago, may-ari ng tupa na normal naman ang sitwasyon ng pagbuntis ng alaga hanggang sa ito’y manganak.

Natagalan umano ang paglabas ng anak na tupa kaya’t hinila ng kanyang helper at tumambad ang kakaibang hitsura nito.

Marami rin ang interesado na bilhin ang katawan ng nasabing tupa para gamitin umano sa negosyo subalit hindi naman pumayag ang pamilya kaya’t nilagyan na lamang ng medisina para mapreserba ito at mapag-aralan pa kung sakali.

March 19, 2012 - Posted by | Local, National, Science, Unusual | , , , , , , , , ,

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: