DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

‘Phl, record-breaker sa Earth Hour campaign’

Nagtala ng bagong rekord ang Pilipinas, bilang isa sa mga nangungunang bansa na kalahok sa ginanap na Earth Hour.

Ayon sa World Wide Fund for Nature (WWF), lumahok sa taunang earth-saving campaign ang may kabuuuang 1,671 mga bayan, siyudad at lalawigan sa buong bansa.

Binasag umano nito ang 1,661 recorded participants noong nakaraang taon.

Una rito, mismong si Earth Hour founder at executive director Andy Ridley ang nagpatunay na “it’s more fun in the Philippines.”

Ito’y matapos masaksihan ang personal na pagkakaisa ng mga Filipino para maisulong ang isang makabuluhang programa na katulad ng isang oras na pagpatay ng mga pasilidad na ginagamitan ng kuryente.

Sa isinagawang Earth Hour 2012 program sa Ayala, Makati City, mismong si Ridley ang nanguna sa palatuntunan, pati na ang pag-switch off ng mga electrical facilities na sinabayan naman sa Visayas at Mindanao.

Sa kabuuan, mayroong 6,525 siyudad, bayan, lalawigan at mga munisipalidad sa may 150 mga bansa at teritoryo sa buong mundo ang lumahok sa aktibidad.

http://210.5.68.115/story-of-the-day/104802-ph-record-breaker-sa-earth-hour-campaign

April 2, 2012 - Posted by | International, National, Science, Unusual | , , , , , , , ,

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: