DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

HK people, dapat dalasan ang sex – experts

HONG KONG – Inirekomenda ngayon ng mga sex experts sa mga taga-Hong Kong na baguhin na ang tawag sa kanila na “least active lovers” sa Asya sa pamamagitan ng mas aktibong sex life at malampasan ang problema sa pagkakaroon ng privacy sa naturang lungsod.

Inihayag ni Professor Emil Ng, associate director ng Family Institute ng University of Hong Kong na ang mga mamamayan ng nasabing lungsod ang may pinakakonting sexual knowledge at isa aniya sa dahilan nito ay dahil wala umanong lugar kung saan maaaring makapagsarili ang mga mag-asawa at lovers.

“People say Hong Kongers have the least amount of sexual knowledge in the world. One of the reasons is they have no place to have sex,” ani Ng.

Sa pag-aaral ng World Bank, ang financial pressure, pagpapahalaga sa career at limitadong space ang sanhi kung bakit isa ang Hong Kong sa may pinakamababang fertility rate sa mundo.

Ayon naman kay Ng, overcrowded na ang Hong Kong at walang privacy na makapag-sex.

“Hong Kong is too crowded and lacks the privacy people need to have sex,” dagdag pa ni Ng.

Mayoriya umano sa mga wala pang pamilya ay nananatili sa kanilang mga magulang hanggang umabot ng 30-anyos dahil hindi makayang mag-asawa at bumili ng sariling tirahan dahil sa mahal na presyo ng mga properties.

Sa survey na isinagawa ng unibersidad, kontento na umano ang mga taga-Hong Kong sa isang beses na pakikipag-sex sa isang linggo.

Higit kalahati naman ng mga sinurvey na babae ay nagsabing nagdadahilan sila na may sakit o puyat kapag wala sa mood na makipagtalik sa kanilang mga partner o asawa.

Sa Survey naman sa halos 1,000 mga lalaki sa Hong Kong, majority ang nagsabi na sapat na sa kanila ang dalawang beses na pakikipag-sex sa isang linggo. (AFP)

April 16, 2012 - Posted by | Health, International, Science, Unusual | , , , , ,

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: