DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Tsunami alert, ‘di dinadaan sa text – Phivolcs

Binigyangdiin ni Phivolcs Dir. Renato Solidum na wala silang inilalabas na tsunami alertsa mga nakalipas na araw, kaya malaking kalokohan ang kumakalat sa text na magkakaroon ng tsunami sa alinmang lugar sa ating bansa.

Reaksyon ito ng Phivolcs matapos ulanin ng tawag ang kanilang tanggapan maging sa Metro Manila kaugnay ng tsunami scare sa Capiz at mga karatig nitong lugar.

Ayon kay Solidum, walang anumang lindol sa Pilipinas ngayong taon na sapat para makalikha ng tsunami kaya walang dapat na ikatakot ang lahat ng mamamayan.

Maging ang 7.2 magnitude na lindol sa Bohol noong Oktubre 15 ay hindi umano nagdulot ng tsunami o anumang abnormalidad sa dagat.

Dagdag pa ng opisyal, kung lehitimo ang anumang tsunami alert ay idadaan nila ito sa NDRRMC, local broadcast stations at local government offices at hindi sa text message lamang.

December 1, 2013 - Posted by | Media, National, Regional, Science, Technology, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: