DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Paul Walker, pararangalan sa PH Congress

Isinusulong sa Kamara para parangalan at pasalamatan ang namayapang Holywood star na si Paul Walker.

Batay sa House Resolution 577 na inihain ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez, nararapat parangalan ang tulad ni Walker na nagpakita ng pagnanais na makatulong sa mga nasalantang mamamayan sa Pilipinas hanggang sa huling sandali ng kaniyang buhay.

Magugunitang nag-organisa pa umano ito ng charity event para mangalap ng laruan at cash donations para sa mga batang biktima ng bagyo at nagpadala rin sa bansa ng 12 disaster responders sa pamamagitan ng foundation nito.

Ayon sa tagapagsalita ng Reach Out Worldwide foundation ni Walker, mayroong special “love” ang aktor para sa Pilipinas.

Si Walker ay nasawi noong Linggo sa isang car accident matapos dumalo sa charity event para sa Yolanda victims.

Bago ang insidente, sa pamamagitan ng video ay nanawagan din ito ng tulong para sa mga biktima ng kalamidad, kasama ang kaniyang mga co-actors sa pelikulang “Fast and the Furious.”

December 4, 2013 - Posted by | International, National, Unusual | , , ,

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: