DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Pinoys, nakikipagbakbakan sa Golan Heights

Nakipagbakbakan na ang 75 mga Filipino peacekeepers sa Golan Heights, sa mga Syrian rebels.

Sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na kaninang ala-1:00 ng hapon (oras sa Pilipinas) nang magkaputukan.

Inatake ng mga rebelde ang position 68 at 69 kung saan na-trap ang mga Pinoy.

Bagama’t wala umanong casualties sa mga Pinoy peacekeepers.

Hanggang ngayon ayon sa Armed Forces of the Philippines, patuloy pa ang palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalong Pinoy at mga rebelde.

Ayon naman kay AFP PIO chief Lt. Col. Ramon Zagala, ligtas ang mga sundalo Pinoy.

Pero patuloy pa umano ang kanilang masusing monitoring sa nangyayaring sitwasyon sa Golan.

Nagsagawa na rin ng emergency meeting ang mga top security officials ng bansa sa AFP headquarters sa Camp Aguinaldo.

Una rito ay nagkaroon ng standoff kung saan nais ng mga rebelde na isuko ng mga peacekeepers ang kanilang armas subalit nagmatigas ang mga Filipino soldiers.

Nabatid na hinostage din ng mga rebelde ang 44 na Fijian peacekeepers sa Golan Heights.

August 30, 2014 - Posted by | International, National, Unusual

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: