DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Daan-libong puno, naitanim sa KBP Broadcastreeing 2014

Daan-daan libo pang mga puno ang naitanim ngayong araw ng mga mamamahayag sa iba’t ibang dako ng bansa na nasa ilalim ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Ito ay may kaugnayan sa Oplan Broadcastreeing, ang simultaneous tree planting activity sa 30 mga lugar sa bansa.

Sa Metro Manila, pinangunahan ng KBP national office ang pagtatanim ng mga puno sa Barangay San Ysiro, Antipolo, Rizal.

Ito ang ika-anim na taon na nang nasabing proyekto ng KBP kung saan nasa 500,000 puno na ang naitanim.

Sinabi ni KBP President Herman Z. Basbano, ang Oplan Broadcastreeing ay patunay na hindi lamang pamamahayag ang ginagawa ng fourth estate o media kungdi nais din magbigay ng awareness sa pangangalaga sa kapaligiran.

Ang KBP-Albay chapter ay nagsagawa rin ng aktibidad sa dalawang identified na lugar sa lungsod.

Maliban sa mga kasapi ng KBP katuwang din sa proyekto ang mga barangay officilas para magbigay ng assistance maging ang ilang local officials ng lungsod.

Sinimulan ang programa sa selebrasyon ng misa sa St. Rafael Church at sinundan ng motorcade papunta sa site nang pinagtaniman ng mga sapling.
Sa Ilocos Norte, nakiisa naman Laoag City-Ilocos Norte Chapter, Pinakbet Group at local government ng Laoag sa tree planting activity.

Ang venue ay sa Ilocos Regional School of Fisheries sa Barangay 32-B La Paz sa Laoag City.

Kabilang sa mga naitanim ay mahogany, kamagong at iba pa

Ang mga nasabing seedlings ay ipinamahagi ng Provincial Environment and Natural Resources Office.

Sa Roxas City, umani ng pasasalamat sa mga residente ng Barangay Intongcan, bayan ng Pontevedra sa Capiz ang isinagawang Oplan Broadcastreeing ng KBP Capiz chapter.

Sama sama ang iba’t ibang sangay ng gobyerno at media entity sa Capiz sa pagtanim ng mangrove o bakhaw sa Barangay Intongcan, Pontevedra.

Tinatayang umaabot sa 5,000 mga bakhaw ang itinamin sa nasabing lugar.

Ayon kay Kapitan Jesus Borbon, bago nanalasa ang supertyphoon Yolanda sa lalawigan ay napalibutan ng mga mangrove ang kanilang lugar, ngunit natumba at naanod ang lahat ng bakhaw ng mangyari ang kalamidad.

Pinasalamatan naman ni Mrs. Joanne Dadivas, KBP Capiz chapter president ang lahat ng dumalo sa taunang aktibidad.

Samantala sa GenSan naman isinagawa ang pagtatanim ng puno sa Nopol hill, Brgy. Mabuhay sa lunngsod.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni KBP-GenSan President Pastor Remi Amlon kung saan umabot sa 300 na narra ang itinanim ng mga mamamahayag.

Ayon pa kay Pastor Amlon, hindi lang sa panahon ng Oplan Broadcastreeing magtatanim ng mga punongkahoy ang mga mamamahayag sa GenSan dahil gagawin din ito sa darating na Setyembre 26 kaugnay sa greening program ng DENR na kapartner din ng KBP sa tree planting activity.

Sa lalawigan ng Negros Occidental isinagawa ang tree planting sa Crossing Spur 19, Barangay Bunga, bayan ng Salvador Benedicto kaninang umaga.

Umabot sa 980 mga seedlings ng mga fruit bearing trees gaya ng nangka, rambutan, kasla, bacan at iba pa ang itinanim sa dalawang ektaryang kalupaan sa naturang barangay ng mga miembro ng KBP-Negros Occidental Chapter kasama na dito ang mga staff at reporters ng Bombo Radyo Bacolod at ng Salvador Benedicto Agro Forest Farmers Association (SBAFFA) sa pamumuno ni Roger Rebutado.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Alexis Legayo, ang forester ng Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO sa KBP, sa Bombo Radyo at sa lahat ng mga volunteers na tumulong sa pagtatanim.

Anya, malaking tulong na ito sa pag-preserve ng Northern Negros Natural Park na idineklarang protected area.

Iba’t ibang seedlings din ang naitanim sa Barangay Balao, Solana, Cagayan.

Bukod sa mga miyembro ng KBP, nakiisa rin sa aktibidad ang ilang ahensiya ng pamahalaan tulad ng DENR, DILG, PNP, CENRO Solana, 21st Infantry Battalion, BFP Solana at ilang residente ng nabanggit na bayan.

Kaugnay nito, sinabi ni Cadel Trilles ang KPB President Cagayan Chapter na isang hamon ang nasabing aktibidad dahil kailangan na tiyakin na maipagpapatuloy ito kahit na mapapalitan na ang mga opisyal ng organisasyon at ito ang iiwang legacy sa mga susunod na henerasyon.

Bukod dito, sinabi niya na kailangan na matiyak na mabubuhay ang mga itinanim na seedlings sa pamamagitan ng pag-monitor dito, paglalagay ng markings sa mga itinanim at ang pagbakuran sa lugar upang hindi ito sirain ng mga hayop.

Idinagdag pa niya na malaki ang magiging papel dito ng komunidad upang mapangalagaan ang mga nasabing punongkahoy hanggang sa mapakinabangan ang mga ito.

Sa Camarines Sur, nasurpresa ang KBP Camarines Sur Chapter sa pagdating ng halos 500 nakilahok sa Oplan Broadcastreeing na isinagawa sa Ombao Heights sa bayan ng Bula.

Umabot din sa halos 1,500 na mga saplings ng fruit bearing trees at iba pang uri ng mga puno ang naitanim.

Maliban sa mga media practitioners mula sa radyo, telebisyon at print ay nakilahok din sa aktibidad ang mga tauhan ng PNP, Philippine Army, mga estudyante, empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga ordinaryong mamayan.

Tumagal ng halos isang oras ang tree planting activity na sinundan ng isang masayang boodle fight.

Nabatid na ang lugar kung saan isinagawa ang aktibidad ay ang pinagkukunan ng inuming tubig ng mga residente sa lugar.

August 30, 2014 - Posted by | Uncategorized

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: