DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Coed naglabas ng Powerpoint na may temang ‘Why You Should Date Me’

Agaw pansin sa internet ang babaeng estudyante mula sa University of Minnesota sa Estados Unidos.

Dahil kasi sa hindi raw siya pinapansin ng “crush” niyang lalaki, siya na mismo ang nagpadala ng isang slideshow na may tema ukol sa rason kung bakit dapat siyang i-date (“Why You Should Date Me”) ng lalaking si Carter Blochwitz.

Nakilala ang dalaga na si Lizzy Fenton, isang biology student.

Sa kaniyang Powerpoint presentation, inisa-isa ni Fenton ang qualities na maipagmamalaki niya. Continue reading

April 21, 2017 Posted by | Unusual | Leave a comment

Lola at apo, sabay na nagtapos sa junior high school

KORONADAL CITY – Pinatunayan ng isang senior citizen na walang pinipiling edad ang edukasyon matapos na makapagtapos sa high school.

Kinilala ito kay Lourdes Ignacio, 79-anyos, biyuda na residente ng Barangay Bukay Pait sa bayan ng Tantangan, South Cotabato na kabilang sa mga estudyante ng Bukay Pait National High School na nagtapos ng Junior High School.

Sinabi ni Ignacio na dati ring kagawad at barangay chairman ng Bukay Pait, naging inspirasyon nito para mag-aral muli ang pitong professionals na anak.

Sa katunayan, nag-aral siyang muli nang italaga noong principal sa nabanggit na paaralan ang isa niyang anak. Continue reading

April 7, 2017 Posted by | Local, Regional, Unusual | Leave a comment

US, nagpa-ulan ng Tomahawk cruise missile sa Syria

WASHINGTON – Umaabot sa 50 Tomahawk cruise missiles ang pinasabog ng Estados Unidos sa Syrian air base.

Tugon ito ng Amerika sa suspected chemical weapons attack sa isang bayan na may malaking presensya ng mga rebelde, kung saan maraming inosente ang sinasabing nadamay.

Regular namang nagbibigay ng update si Defense Secretary James Mattis kay US President Donald Trump, kahit ito ay may mga nakahanay na pulong, kasama na ang pakikipag-usap kay Chinese President Xi Jin Ping. Continue reading

April 7, 2017 Posted by | International, Unusual | Leave a comment

Batangas, state of calamity dahil sa lindol

Nagdeklara na ng state of calamity ang provincial government ng Batangas, kasunod ng 5.5 magnitude na lindol kagabi.

Nabatid na nag-iwan ito ng ilang pinsala sa mga istraktura, kabilang na ang lumang simbahan sa bayan ng Tingloy.

Sa inisyal na pagtaya, aabot sa P18 million ang halaga ng recorded damages.

Ayon kay Batangas Gov. Hermilando Mandanas, layunin ng pagdedeklara nila ng state of calamity na magamit ang pondo para matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga kababayan.

Una rito, hindi na rin muna pinapasok ang mga mag-aaral sa buong probinsya dahil sa mga nararanasang aftershocks.

April 5, 2017 Posted by | National, Unusual | Leave a comment

Walang ‘summer’ sa Pinas?

Pormal nang nag-umpisa ang dry season sa Pilipinas.

Ito ang inanunsyo ni Pagasa weather forecaster Benison Estareja, kasunod ng paghupa ng hanging amihan na naghatid ng malamig na hangin sa mga nakalipas na buwan.

Pero nagkaroon ng delay sa pagpasok ng tag-init sa ating bansa dahil na rin sa pag-iral ng North Pacific high pressure area.

Ito umano ang nagpabago ng pressure system at nagpaiba sa wind pattern na nagbunsod para maantala ang pormal na pagpasok ng dry season.

Nilinaw din ni Estareja na walang summer season sa Pilipinas, kundi “wet and dry seasons” lamang.

Ang summer aniya ay para sa mga bansang may apat na klasipikasyon ng kanilang panahon, kung saan kabilang na rito ang spring, summer, winter at fall.

April 5, 2017 Posted by | National, Science, Unusual | Leave a comment

12-year-old boy in police uniform, under custody for extortion?

Believe it or not, a 12-year-old boy was taken into custody after authorities caught him flagging down public utility vehicles (PUV) and allegedly extorting from drivers at the EDSA Rotonda, Pasay City while wearing complete police uniform.

photo from Abante

12-y/o policeman?

The said boy was wearing uniform with a senior inspector rank and acting as one.

His uniform also included handcuffs, boots and a gun replica (9mm pistol). Continue reading

February 24, 2016 Posted by | Local, Unusual | , , , , , | Leave a comment

Mamasapano full report – DoJ

DOJ’s Report on the Mamasapano Incident Released – Filing of Criminal Charges Against 90 Suspects Recommended Continue reading

April 22, 2015 Posted by | National, Unusual | Leave a comment

How to identify fake eggs?

How to identify fake eggs:

1. Fake egg’s shell is a little shinier than the real egg, but it is not very noticeable.

2. When touch the fake egg by hand, it feels a little rougher than the real egg.

3. Shake the fake egg will make some noises, because water overflows from the solid agent.

4. Real egg smells a little like raw meat.

5. Tap the egg lightly. Real egg makes a more crisp sound than the fake egg.

6. Shortly after opening the fake egg, egg yolk and egg white will melt together. This is because the egg yolk and egg white are made of the same raw materials.

7. When frying a fake egg, the yolk will spread without being touched.

Actually, after opening the egg, egg white and egg yolk will soon mix together.

(China Hush)

April 10, 2015 Posted by | Health, International, Science, Unusual | , , , , , , | Leave a comment

FULL TEXT: VP Binay speech

Mga minamahal kong kababayan, isang bukas na aklat ang aking buhay. Bata pa lamang ako ay humarap na ako sa maraming pagsubok.

Noong ako’y 9 na taong gulang, nagkaroon ng kanser ang aking ina. Dahil sa kakulangan ng pera, namatay siya na wala kaming magawa. Continue reading

September 18, 2014 Posted by | National, Unusual | , , , , , , | Leave a comment

Daan-libong puno, naitanim sa KBP Broadcastreeing 2014

Daan-daan libo pang mga puno ang naitanim ngayong araw ng mga mamamahayag sa iba’t ibang dako ng bansa na nasa ilalim ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Ito ay may kaugnayan sa Oplan Broadcastreeing, ang simultaneous tree planting activity sa 30 mga lugar sa bansa.

Sa Metro Manila, pinangunahan ng KBP national office ang pagtatanim ng mga puno sa Barangay San Ysiro, Antipolo, Rizal.

Ito ang ika-anim na taon na nang nasabing proyekto ng KBP kung saan nasa 500,000 puno na ang naitanim.

Continue reading

August 30, 2014 Posted by | Uncategorized | Leave a comment