DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

US, nagpa-ulan ng Tomahawk cruise missile sa Syria

WASHINGTON – Umaabot sa 50 Tomahawk cruise missiles ang pinasabog ng Estados Unidos sa Syrian air base.

Tugon ito ng Amerika sa suspected chemical weapons attack sa isang bayan na may malaking presensya ng mga rebelde, kung saan maraming inosente ang sinasabing nadamay.

Regular namang nagbibigay ng update si Defense Secretary James Mattis kay US President Donald Trump, kahit ito ay may mga nakahanay na pulong, kasama na ang pakikipag-usap kay Chinese President Xi Jin Ping.

Una rito, sinabi ni US Secretary of State Rex Tillerson na may mga binubuong plano ang Amerika para sa bansang Syria at sa umiiral na mga polisiya.

Ayon kay Trump, ang pagpatay sa mga inosente ang nagbunsod sa kanilang mabigat na aksyon.

“When you kill innocent children — innocent babies — babies — little babies with a chemical gas that is so lethal, people were shocked to hear what gas it was, that crosses many, many lines. Beyond a red line, many, many lines,” wika ni Trump. (CNN/BBC)

April 7, 2017 - Posted by | International, Unusual

No comments yet.

Leave a comment