DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Gilas, muntik manalo sa power house na Croatia, 78-81

SEVILLE, Spain – Muntik nang masilat ng Gilas Pilipinas ang powerhouse Croatia sa opening game ng 2014 FIBA World Cup.

Bagamat natalo ang Pilipinas, nauwi naman sa overtime game ang panalo ng Croatia, 78-81.

Pinakaba ng husto ng mga Pinoy ang mga Croatians na merong tatlong mga NBA players.

Mula sa first quarter hanggang sa fourth quarter ay abanse ang Croatia at nakahabol na lamang sa dying seconds ang Gilas hanggang sa magtapos ang laro sa 71-all.

Dumagundong naman ang arena na Palacio Municipal De Deportes San Pablo sa dami ng mga Pinoy na bumuhos upang suportahan ang laban ng Gilas.

Nagtapos ang NBA naturalized player na si Andray Blatche sa 28 points, pero halatang may iniinda itong sakit.

Sa first quarter ay tinambakan ang mga Pinoy 9-23, habang sa first half ang score ay 31-37 abanse pa rin ang Croatia.

Ang Croatia ay ranked number 14 sa FIBA, habang ang Pilipinas naman ay ika-No.34 sa buong mundo.

Samantala, marami namang pumuri sa nakakabilib pa ring performance ng mga players

Sunod na laro ng Gilas ay sa September 1 kung saan makakaharap naman ang bansang Greece.

Magaganap ang laro alas-2:00 ng madaling araw.

August 30, 2014 - Posted by | Uncategorized

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: