DENNIS JAMITO

Just another WordPress.com weblog

Batangas, state of calamity dahil sa lindol

Nagdeklara na ng state of calamity ang provincial government ng Batangas, kasunod ng 5.5 magnitude na lindol kagabi.

Nabatid na nag-iwan ito ng ilang pinsala sa mga istraktura, kabilang na ang lumang simbahan sa bayan ng Tingloy.

Sa inisyal na pagtaya, aabot sa P18 million ang halaga ng recorded damages.

Ayon kay Batangas Gov. Hermilando Mandanas, layunin ng pagdedeklara nila ng state of calamity na magamit ang pondo para matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga kababayan.

Una rito, hindi na rin muna pinapasok ang mga mag-aaral sa buong probinsya dahil sa mga nararanasang aftershocks.

April 5, 2017 Posted by | National, Unusual | Leave a comment

Walang ‘summer’ sa Pinas?

Pormal nang nag-umpisa ang dry season sa Pilipinas.

Ito ang inanunsyo ni Pagasa weather forecaster Benison Estareja, kasunod ng paghupa ng hanging amihan na naghatid ng malamig na hangin sa mga nakalipas na buwan.

Pero nagkaroon ng delay sa pagpasok ng tag-init sa ating bansa dahil na rin sa pag-iral ng North Pacific high pressure area.

Ito umano ang nagpabago ng pressure system at nagpaiba sa wind pattern na nagbunsod para maantala ang pormal na pagpasok ng dry season.

Nilinaw din ni Estareja na walang summer season sa Pilipinas, kundi “wet and dry seasons” lamang.

Ang summer aniya ay para sa mga bansang may apat na klasipikasyon ng kanilang panahon, kung saan kabilang na rito ang spring, summer, winter at fall.

April 5, 2017 Posted by | National, Science, Unusual | Leave a comment